moments of silence
sabado ng hapon, new year, pagkagising ko ay pumunta ako sa bahay ng aking kaibigan sa vermont royale sa antipolo para makisama sa swimming & new year party ng iba pang barkada. habang ako'y nasa daan, tumawag sakin si mae para sabihin na siya raw ay may chismis na sasabihin. noong una ay binalewala ko iyon at inakalang mababaw lang ang topic. hindi pala. halos di ako malakad nang sabihin niya na binaril sa mukha ang dati kong ka team na si jeff o mas kilala na boko.
halos isang taon ko rin naging kateam si boko. at halos katabi ko sha pag ako ay nasa station.
malaki talaga ang impact sa akin ng balitang iyon. aaminin ko may mga pagkakataong di maganda ang pinakita ko sa kanya. kaya ngayon nagi- guilty ako. di pa ren makapaniwala. napakraming pagkakataon ko sha nakasama. karamihan pag lumalabas at may dinner.
maaring huli na ang lahat para maappreciate ko ang mga bagay na nagawa niya para sa aken. ganun yata talaga. pero maraming mga bagay akong natutunan sa kanya. bawat term about things na jargon para sa aken ay sa kaniya ako humuhingi nga tulong. pati assignment ko sa school, mga case studies, sa kanya din. mga suggestions on things and stuff, di ka mabibigo. di ko lubos maisip wala na siya. nakakapanglumo.
marahil totoo nga ang kasabihan tungkol sa mga kabaitan ng mga taong nawala. mapapahalagahan laman iyon pag wala na siya. ganun ang nararamdaman ko ngaun. parang kelan lamang eh magkasama pa kami sa isang pagtitipon at kahit pa alam ni boko na may mga kalokohan akong pinag gagagawa, para sa akin ay sinsero siya sa kanyang mga sinasabi sa akin. mamimiss ko talaga ang taong ito.

Posted by celwinster at 10:22 PM | epal na!